I think I spoke to soon when I said
everything was okay. Well, actually… relatively, everything still is okay.
Still none of the vomiting (go Emend!), and the constipation got sorted out
after stuffing self with fruits and fiber, plus 1 tablet of Dulcolax. Should be thankful for that, and I am.
Ang di ko na-anticipate ay kung gaano ako
natraydor ng lakas. Paggising ko on the day after I got home from the hospital,
I felt normal. Strong pa nga, like going thru chemo was no biggie. (Upon
research, I think naging hyper ako dahil sa steroids sa pre-meds ko.) So, I
went for a walk outside. Then, because I felt I could, did a mild 12 minute
yoga which I hoped would relieve me of the constipation. (Yan yung malaking
mali ko, in hindsight.) Tapos ayos-ayos ng kaunti sa gamit.
Maya-maya, parang windang na ako. Yung pakiramdam
ng nauupos na kandila. Yung panghihina na nararanasan ng taong hindi pa
kumakain ng buong araw tapos tinamaan na
ng matinding gutom.
Humiga ako para makapagrecharge. Di siya
kaya ng isang oras na tulog. Paggising
ko parang naririnig ko yung mga cells ng katawan ko na niluluto. Alam mo yung
uling na nagbabaga sa ihawan? Pwedeng imagination ko lang, pero ganun yung
pakiramdam.
Wala namang lagnat… malamig pa nga ako. 34
degrees. Lagi akong nakakumot at nakamedyas. Hanggang leeg ang talukbong.
Nagbanyo ako. Effort tumayo at maglakad
para lang umihi. Nakita ko sarili ko sa salamin. Asul yung labi ko. Madilim
yung ilalim ng mga mata. Namayat ako bigla mula nuong isang araw… nailabas ko
na siguro lahat ng tubig na pinasok sa akin sa IV. Di na ako Michelin Man. Pero
mukha naman akong pasas. Nagpanic ako nang slight, pero nakakapagod magpanic
kaya balik na ako sa kama at tinulog ko na lang.
Natakot ako at one point: sa sobrang
kahinaan, parang akong nag-fa-fade. Nagdidissolve. Tinext ko si Dad. Uwi ka na
po.
Buti nakauwi sya agad, bago nahuli ng
kagaguhan ng APEC traffic. Inasikaso niya ako. Tapos yung importante nung
natakot ako hinawakan nya kamay ko. Siguro iisipin mo mushy, pero yung panahong
iyon, para akong batang nawalan ng pangamba nang niyakap na ng ama.
Natulog ako buong araw at buong gabi.
Natulog pa rin kahapon. Pag ganito pala dapat isipin mo na meron ka lang isang
kahong lakas na gagamitin, kaya dapat isipin mo lang kung saan gagastusin.
Importante ba manuod ng TV? Importante ba pumunta sa kusina? Importante bang
mamasyal? Mas importante bang magbanyo? Maligo? Kumain? Ganun. Ibudget mo
enerhiya mo.
Ngayon, mas okay na. Nakakalibot ng kaunti
sa bahay. Hindi na gaano tulog nang tulog pero hinay-hinay pa rin. Sawang-sawa
na sa kapapanuod ng TV pero hindi naman ako nagrereklamo masyado.