Tuesday, November 17, 2015

Ang Traydor na Lakas

I think I spoke to soon when I said everything was okay. Well, actually… relatively, everything still is okay. Still none of the vomiting (go Emend!), and the constipation got sorted out after stuffing self with fruits and fiber, plus 1 tablet of Dulcolax.   Should be thankful for that, and I am.

Ang di ko na-anticipate ay kung gaano ako natraydor ng lakas. Paggising ko on the day after I got home from the hospital, I felt normal. Strong pa nga, like going thru chemo was no biggie. (Upon research, I think naging hyper ako dahil sa steroids sa pre-meds ko.) So, I went for a walk outside. Then, because I felt I could, did a mild 12 minute yoga which I hoped would relieve me of the constipation. (Yan yung malaking mali ko, in hindsight.) Tapos ayos-ayos ng kaunti sa gamit.

Maya-maya, parang windang na ako. Yung pakiramdam ng nauupos na kandila. Yung panghihina na nararanasan ng taong hindi pa kumakain ng buong araw tapos  tinamaan na ng matinding gutom.

Humiga ako para makapagrecharge. Di siya kaya ng isang oras na tulog.  Paggising ko parang naririnig ko yung mga cells ng katawan ko na niluluto. Alam mo yung uling na nagbabaga sa ihawan? Pwedeng imagination ko lang, pero ganun yung pakiramdam.

Wala namang lagnat… malamig pa nga ako. 34 degrees. Lagi akong nakakumot at nakamedyas. Hanggang leeg ang talukbong.

Nagbanyo ako. Effort tumayo at maglakad para lang umihi. Nakita ko sarili ko sa salamin. Asul yung labi ko. Madilim yung ilalim ng mga mata. Namayat ako bigla mula nuong isang araw… nailabas ko na siguro lahat ng tubig na pinasok sa akin sa IV. Di na ako Michelin Man. Pero mukha naman akong pasas. Nagpanic ako nang slight, pero nakakapagod magpanic kaya balik na ako sa kama at tinulog ko na lang.

Natakot ako at one point: sa sobrang kahinaan, parang akong nag-fa-fade. Nagdidissolve. Tinext ko si Dad. Uwi ka na po.

Buti nakauwi sya agad, bago nahuli ng kagaguhan ng APEC traffic. Inasikaso niya ako. Tapos yung importante nung natakot ako hinawakan nya kamay ko. Siguro iisipin mo mushy, pero yung panahong iyon, para akong batang nawalan ng pangamba nang niyakap na ng ama.

Natulog ako buong araw at buong gabi. Natulog pa rin kahapon. Pag ganito pala dapat isipin mo na meron ka lang isang kahong lakas na gagamitin, kaya dapat isipin mo lang kung saan gagastusin. Importante ba manuod ng TV? Importante ba pumunta sa kusina? Importante bang mamasyal? Mas importante bang magbanyo? Maligo? Kumain? Ganun. Ibudget mo enerhiya mo.

Ngayon, mas okay na. Nakakalibot ng kaunti sa bahay. Hindi na gaano tulog nang tulog pero hinay-hinay pa rin. Sawang-sawa na sa kapapanuod ng TV pero hindi naman ako nagrereklamo masyado.



No comments:

Post a Comment