Wednesday, October 28, 2015

The Movie in My Mind

Kahapon tumambay muna kami sa condo kung saan nakatira yung bunso namin. May pool sa amenities floor, so dun muna ako pumunta para magbasa ng libro.

Maganda yung hapon. Alas kwatro, at nagpapalit na ng kulay ang langit. May mag-amang naliligo dun sa pool -- isang expat (puti, kalbo, matanda, mukha namang mabait) at ang kanyang maliit na anak na babae, siguro over a year old ang edad. Yung nanay na Pinay, nasa tabi, naka-abang, nagmamasid sa anak at asawa... tahimik man siya, kita naman na natutuwa siya sa quiet, pero happy moment na iyon.

Naisip ko bigla, "After chemo, di na ako pwedeng magka-anak." Parang dagib sa dibdib nung inisip ko pa.

Actually, yung eksenang nakikita ko sa pool, pangarap ko yun eh. Isang expat na asawa (huwag mo nang itanong bakit expat... basta, ibang blogpost na yun), ang aking bi-racial kong anak na may British accent ("Daddi, pleeeease don't pull awayyyyy..."), at ako na naka-spaghetti strap, hot oil na hair at pekpek shorts. Masaya kaming pamilya. Maganda ang anak ko, matalino, bibo, at artistahin. Magaling siyang kumanta at mahilig mag-imbento ng sariling bedtime story. Light brown hair, tisayin, pero pango ang ilong (mana sa akin). Bungisngis (mana din sa akin). Next year, mag-aaral na siya sa kindergarten, at tiyak siya ang magiging teacher's pet kasi sweet and caring siya, artistic, at mataas ang EQ.

Naisip kong bigyan siya ng pangalan, kaso, masakit, so huwag na. Pangarap siyang maglalaho sa saglit na turukan nila ako ng Cisplatin sa kemo ko. Nakakapatay ng egg cells ang Cisplatin. Anak ko ang ipinantutubos sa buhay ko.

Alam mo, ang ironic dito, meron kaming history na pagiging fertile. Ang tatay ko ay may 16 na kapatid, samantalang ang nanay ko naman ay 11. Nuong naging balo ang lolo ko (sa father side) ay nag-asawa siya ulit matapos ang maikling panahon, at nagkaroon pa ng mga anak (sa pagkakaalam ko ay apat).

Sayang. Looking forward ako sa pagbabasa ng stories sa anak ko, sa pagturo sa kaniyang magdrowing, sa pagswim sa beach. Bibihisan ko siya ng pinakakikay na damit. At the same time, I will try to find good role models for her to look up to (at hindi naman ako kailangang lumayo --- ang lola niyang maestra at manunulat, super role model na agad). Paglaki niya, kung hindi siya magiging artista, ay she'll be whatever she wanted to be, and I and her father will be very proud of her. She will give us wonderful grandchildren, and her husband is going to give us an all-expenses paid trip to Hawaii on our 40th wedding anniversary. (Yung husband niya ay either isang finance management guy or isang best-selling author. Extraordinary anak ko, kaya extraordinary rin ang manugang ko, ano ba?)

Nagsplash yung pool. May ibang batang lalaking tumalon mula sa side at nagpafloating-floating. Pagod na yung matandang expat. Uwi na raw, sabi niya kay wifey. Mabait si baby girl, di nagreklamo. Baka sleepy na siya at gusto nang mamahinga. Kanina pa siguro sila naglalaro.

Nagtry akong tapusin yung binabasa ko na may kinalaman kung paano mabuhay ang mga millenials. Pero di ko makalimutan yung pangarap ko.

Kemo, please don't take that away from me.


No comments:

Post a Comment